| Twenny-Four. |
[Sep. 18th, 2007|12:31 am] |
24 years old na ako. Isang taon na lang, puwede na akong magkaroon ng quarter life crisis. First time kong magdaos ng birthday sa labas ng Pilipinas. Weird.
Taon-taon, tradisyon na sa aking ilibre ang mga kabarkada ko noong high school at lumabas kasama ng ilan pang mga malalapit na kaibigan. Pagkatapos, may iba pang selebrasyon para sa kung sinong kapamilya ang natitirang kasama ko sa Pilipinas.
Subalit sa pagkakataong ito, birthday is family day. Dinaos ko ang ika-bente-kuwatrong taon sa mundo sa pamamagitan ng isang Pizza and Carbonara dinner kasama ng aking nanay, tatay, ate at kuya, pati na ang alaala nina lolo't lola. Dito kami nagpakasaya, nagsama-sama, sa lupang maligaya. Videoke sa bahay. Wine. Brownies. Kebab. Ayun. Ganung kasimple. Sayang nga lang at walang pulang hotdog na nakatuhog sa barbecue stick, may marshmallow sa dulo, at nakatusok sa repolyo. Ayun na sana ang kukumpleto sa birthday menu! Kaso ayun.... ayaw nila ng pulang hot dog dito sa Guam. Ayaw din nila ng itlog na maalat. Lahat yata, ng pula ayaw nila. Hinaharang sa customs. Meron daw kasing lead content ang kahit anong pula. Bawal nga ring ang baguio strawberries dito. Pula kasi. Joke.
Okey lang. It's not the food but the company. Kasama ko ang pamilya kong magdaos ng kaarawan dito sa munting isla ng mga pangarap... Amerikanong pangarap. Ang lupain ng tunay na brown brothers ni Uncle Sam.
Hindi uso sa akin dito ang salitang barkada. Wala yun sa bokabularyo ko kasi hindi pa sila dumarating. Wala pang klik. Halos lahat kasi ng mga nakakasalamuha ko rito, puro sosyal... puro English speaking. Shet. Pakiramdam ko, naglalaro ako ng "Taboo" kapag kausap ko sila. Alam niyo ba yung larong iyon? Yung board game na maghahalungkat ka ng maghahalungkat sa utak mo ng sandamakmak na salita upang maipahiwatig lamang ang nais mong ilarawan? Ganun ako makipag-usap sa kanila ever since.
"I come, I went, I go home already ha.". Ganyan.
Kung hindi pa rin maintindihan, nagiging charades ang labanan. Inaakting ko na lang ang mga bagay-bagay para maunawaan.
Dati-rati, nagsusumubok pa ako. Sinusubukang i-testing kung kaya ko bang makipagsabayan sa talastasan ng mga kayumangging may puting dila. After all, I am an Arenean. Areneans are supposed to be the best english speaking dudes in our whole damn country! Ayt?! And since i'm Arenean, might as well make me ah'ma mah'rah proud, like all those other Ah'reneans who speak pronounced accented english in their respective call cen'ners!
So it was already 8 months ago when I tried to fool them. Lights.... camera.... ACCENT!
inside the restaurant:
"Good morning sir, may I take your order?"
Me: "Yeah, i'd like the Sausage meal with rice and eggs."
Water: "How would you like your eggs done?"
Me (In a snap) ":Oh... well done."
Tawanang pasikreto ang aking mga kasama. Hindi ko inasahan ang tanong na iyon. Doon kasi sa atin, kadalasan, walang option para sa luto ng itlog. Or at the very least, hindi ka nila tinatanong. Naalala ko nga bigla, sa Pinas, hindi ko pa alam ang salitang "malasado" , tawag sa itlog na tunaw pa ang pula. Dahil gusto ko ang ganitong luto ng itlog, pinaaalalahanan ko noon ang babaeng nagbebenta ng Longganisa Burger dun sa Burger Machine Mother Ignacia....
"Miss, huwag niyo masyadong patigasin ang itlog ko ha."
Sabay irap ang babae. Aba! For the very first time yata in the whole history of her life, nagandahan siya sa sarili niya!
So, yeah. I've turned a year older in a different environment. A year wiser? Maybe. Pero a more fluent year? sana.
Nakakapagod ding makipagpatinero ng salita araw-araw sa mga Pinoy na may banyagang dila. |
|
|
| Babalik Ka Rin |
[Sep. 16th, 2007|10:43 pm] |
Kasama ng daan-daang Pinoy na nagpuno sa University of Guam Field House kagabi, inibsan ni Gary Valenciano ang aking pangungulila sa Pilipinas sa loob ng dalawang oras niyang pagtatanghal.
Dati-rati, puro analitikal na diskurso lamang para sa akin ang konsepto ng mga OFW o Balikbayang sabik na sabik makanood ng Wowowee sa Pilipinas, o maging ang tagumpay ng ABSCBN sa iba't-ibang bahagi ng mundo dahil sa kanilang "The Filipino Channel". Hindi ko akalaing ngayong taong 2007 , magiging isa na pala ako sa mga taong kinaaaliwan ko lamang noon.
Alam ko ang pakiramdam nila, sabi ko dati. Alam ko dahil may mga kakilala at kamag-anak akong sa abroad nakatirang bumabalik sa pilipinas at kinekuwento ang kanilang pagkagiliw sa kung sino-sinong artistang napapanood nila sa TFC. Alam ko ang mga kuwentong iyon.
Ngayo'y hindi ko lang alam ang pakiramdam nila... ramdam ko rin. Isa na kasi ako ngayon sa mga "Pinoy Abroad" na dahil sa kung anong sitwasyon sa buhay ay walang magawa kundi mangibayong-lupa.
Ang mga artistang gaya ni Gary Valenciano ang nagbibgay-sigla sa aming mga Pinoy upang kahit papaano'y masariwa namin ang kahit ilang butil ng alaala ng Pilipinas. Para kaming mga bilanggo. Bilanggo ng American Dream, Bilanggo ng Green Card, Bilanggo sa pagkapanganak sa ibang bansa, atbp. Mga bilanggong abot-langit ang pasasalamat, makatanggap lamang ng dalaw kahit mula sa isang tao man lamang na maituturing naming kaibigan. Ganun nga ang pakiramdam ko sa pagbisita ni Gary V. sa aming munting islang nagsilbi na ring tahanan ng nakararaming Pinoy gaya ko.
Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng tunay na kahulugan sa akin ang awit na "Babalik ka Rin." At dahil sa mga taong gaya ni Gary V., lubos ko nang naiintindihan kung bakit ang Pilipinas ay sadyang isang bansang kasabik-sabik balikan. |
|
|
| Ano ang nami-miss mo sa college? (I Tag everyone, and watch our seniors senti short film after) |
[Aug. 31st, 2007|08:24 pm] |
1. Sino ang isa sa mga nami-miss mong prof sa college?
- Professor McRae. Karakter na karakter! at napaarte ko siya sa short film namin! Napaarte ko siya!
2. Ano ang mga nami-miss mong gawin sa iyong college free time?
- Tumambay sa SEC, manood ng sine sa Sta Lucia at Rob Metro East.... at mag-yosi sa Smokers Pocket Garden.
3. Sino ang nami-miss mong college crush?
- 2M2M
4. Ano ang nami-miss mong college food?
- Inihaw at Lechong Kawali sa Manangs. Spaghetti with red and white sauce sa caf.
5. Sino ang nami-miss mong manong o manang sa college?
- hindi naman siya manong pero si Mang Tony. SIya ang nagturo sa akin mag-edit.. Siyempre, si Mang Eddie rin. Retired na siya.
6. Ano ang namimiss mong tambayan sa labas ng college campus?
- Prince David Condominium.
7. Sino ang nami-miss mong pag-tripan o laitin na college classmate?
- Pagtipan. si R.D. (initials ng blockmate) in a fond way. PANGAKO SA YOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
8. Ano ang nami-miss mong freshman subject?
- English 13 w Ms. Cementina. English 11 w/ Ms. Icasiano. Filipino w Ms. Bellen.
9. Ano ang namimiss mong tambayang mall nung college?
- Robinsons Metro east at Sta Lucia Brick Road!
10. Ano ang namiss mong opportunity nung college?....
- Ang makilala siya....
Anyway, enjoy!
|
|
|
| Super Kaia |
[Aug. 30th, 2007|03:04 pm] |
|
Super College Love Team: .Kaia Aguas and Jesson Yap.
|
|
|
| Dahil Four Years After Na. |
[Aug. 15th, 2007|09:24 pm] |
DAHIL four years after ng video na to......
Nakagawa na ako ng dalawang music video at isang Full length movie. Tumira na AKO sa Guam at dito na nagtatrabaho. (Magbabalik ako sa Pilipinas pramis.)
ilang mga karakter na rin ang nagampanan ni FIDEL PANGANIBAN. Lumitaw na sa samu't-saring poster at Music Video...
Nasa Denmark na si ABBY YAO at nalibot na rin ang ilang bansa sa Europa.
Nagpakasal na si APRIL ROJALES sa lalaking inibig niya mula four years ago din!
Si CARLO AQUINO, nasa akademya na ng Pilosopiya.
Si KAREN SIMON, malamang matagumpay na rin ngayon sa napili niyang karera.
DAHIL FOUR YEARS AGO... TUMIBOK ANG PUSO.....
p.s. pasensya na medyo lo-res. Di masyadong hi-tech ang gamit ko. :D
|
|
|
| PISAY |
[Aug. 5th, 2007|11:15 am] |
PISAY Directed by: Aureus Solito Cinemalaya 2007 Competition Film
|
|
|
| Still Life |
[Aug. 4th, 2007|09:39 pm] |
STILL LIFE Directed by: Katski Flores Cinemalaya 2007 Competition Film
|
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
| [ |
go |
| |
earlier |
] |
| |
|
|